Bakla’t tomboy sa PNP, AFP ayos lang – Ping

WALANG nakikitang masama si senador Panfilo Lacson kung tumanggap ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ng mga aplikante mula sa third sex o mga bakla at tomboy.

Ani Lacson, chairman ng Senate commitee on national defense and security, bukas siya sa pagpasok ng mga bakla at tomboy sa pulisya at military dahil walang batas na nagbabawal sa mga ito para maglingkod sa bansa.

Paalala lang ng senador na hindi dapat umarte at mag-astang bakla o tomboy ang mga ito sa sandaling tanggapin sila sa PNP at AFP at kailangang sumunod sila sa regulasyon ng organisasyon.

Iginiit ni Lacson na mas makabubuting walang diskriminasyon sa mga miyembro ng third sex dahil may talento at karapatan din silang magsilbi sa bayan.

Aminado naman si Lacson na may mga bading na rin sa Phil. Military Academy noong nag-aaral pa siya at katunayan may isang upper classmen sila na obvious na bakla pero nagpilit na hindi magpahalata.

Gayunpaman, tumanggi ang senador na tukuyin ang pangalan nito dahil sa  retirado na ang mga ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply