Balasahan sa gabinete, pinabulaanan ng Palasyo

MULING pinabulaanan ng Malakanyang na may magaganap na balasahan sa mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Benigno Aquino III sa Agosto 1, 2012.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na walang magaganap na sibakan sa puwesto sa mga cabinet members.

“As far as we are concerned the report is incorrect,” ayon kay Usec. Valte.

Sinabi ng opisyal na kung sakali na magkaroon nga ng balasahan ay ihahayag naman ito ng Pangulong Aquino sa tamang panahon.

Sa ulat, nakatakda nang umupo si Department of Energy Secretary Jose Rene Almendras sa posisyong iiwanan di umano Presidential Management Staff Secretary Julia Abad simula Agosto 1.

Si Abad ay anak ni Department of Budget and Management Secretary Florencio Abad.

Sinasabing si dating Finance Undersecretary Emmanuel Bonoan naman ang papalit kay Almendras.

Samantala, sinusugan naman ni Presidential spokesperson Edwin Lacierda sa pamamagitan ng isang text message ang ulat na may napipintong cabinet revamp.

“You may choose to believe the three sources, that is a choice you can make,” dagdag na pahayag ni Sec. Lacierda.

Sa panig naman ni Pangulong Aguino ay sinabi nito na “Wait until I make the announcement. Basta at the end of the day, don’t forget that a lot of the people who have joined me in the Cabinet are people who gave up very lucrative jobs.”

Tiniyak naman ng Chief Executive na gagawin niya ang lahat upang manatili sa kanyang gabinete ang miyembro na nakakatulong sa kanya para patakbuhin ng maayos ang bansa.

“I will also endeavor to keep the ones who have been performing within the Cabinet.But it has to be a realistic expectation. But a lot of them really have a lot of potentials with a lot less hassles,” ayon pa rin kay Pangulong Aquino.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply