Balot vendor binurdahan ng saksak, tepok

NAMATAY ang isang balut vendor ng matapos burdahan ng saksak ng ‘di pa nakikilalang lalaki kagabi sa sa Pasay City.

Namatay noon din bunga ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na kinilalang si Kalil Baladang, 31 anyos, tubong Maranao, nanirahan sa Mulawin Road Brgy.184 Zone-19 Maricaban St.ng naturang lungsod.

Samantala, pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang suspek dala ang ginamit  na patalim na pinaniniwalaang nagtatago sa mga kababayang Maranao sa nabanggit na lugar.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Giovanni Arcinue, may hawak ng kaso, ang insidente ay naganap dakong 11:15 kagabi July 8 sa Rosdas St. Brgy.184 Zone-19 Maricaban ng naturang lugar.

Ayon sa asawa ng biktima na si Myra Baladang, 19, magkasama sila ng kanyang asawa pauwi sa bahay galing sa pagtitinda ng balut sa Baclaran at sakay ng sidecar patungo sa bahay ni Gabriel Nocomor, may ari ng balut, upang mag-intrega ng  halagang Php 825.00 na kinita sa magdamag pagtitinda.

Makalipas ang ilang sandali, isa sa kapitbahay ang nagpunta sa asawa ng biktima upang ibalita na ang kanyang asawa ay nakabulagta sa kanilang lugar na tadtad ng saksak sa ibat-ibang parte ng katawan.

Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang tunay na motibo sa pamamaslang sa biktima dahil wala umano itong nakaka-alitan sa kanilang lugar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply