Bam Aquino, kinukonsidera sa senatorial line-up ng LP

PASADO na maging senador ng bansa Paolo Benigno “Bam” Aquino IV, pinsan ni Pangulong Benigno Aquino III na nagpahayag na ng kanyang naisin na tumakbo sa  2013 senatorial elections.

Si Bam ay dating TV host at dating Chairperson ng National Youth Commission of the Philippines ay matamang nililigawan ng Liberal Party, administration party na makasama sa kanilang senatorial lineup.

“Certainly, he is fit to be. He has his educational background to prove that he is capable. He is an awardee and he is a very active civic leader. Certainly he would be a welcome addition to the Senate. But as to his discussions with the President, that is something I wasn’t aware of. So, if I have an opportunity to talk to the President I will confirm it with him,” ang pahayag ni Presidential spokesman Edwin Lacierda.

Sa ulat, kinumpirma ni Bam na binigyan na siya ng go-signal ng kanyang pinsan na si Pangulong Aquino na tumkabo sa pagka-senador sa susunod na taon.

“Yes, I have his (President’s) blessing, but as he told me, the party will still decide on the final lineup. Currently, all discussions are about being on the coalition slate and not yet about parties,” anito sabay sabing “It’s not about who among us should go in first. I just feel I’m ready for this.”

Kinukunsidera naman ng LP na makasama sa kanilang lineup si Bam.

Sinabi ni Transportation Secretary Manuel Roxas II, LP president, na may good track record bilang youth leader si Bam.

“I hold him in high regard. He is an outstanding youth leader,”ayon sa Kalihim.

Tinuran nito na nakatuon ang pansin ni Bam sa microfinancing enterprise at  ito aniya ay “consistent with the President’s program of matuwid na daan (righteous path).”

“We would welcome him (Aquino) to the party. He is among those seriously being considered,” ang pahayag ng opisyal.

Si Bam ay anak ni Paul Aquino na nakababatang kapatid ng ama ni Pangulong Aquino na si dating Senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr. at tumayong campaign strategist ng namayapang Pangulong
Corazon Aquino noong 1985 snap election a t 1987 midyear  elections. Si Bam ay pamangkin ni dating Senators Agapito “Butz” Aquino at Tessie Aquino-Oreta.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply