Bandila sa Maynila naka-half mast sa pagpanaw ni Dolphy

INILAGAY sa half mast ang lahat ng bandila sa mag pampublikong tanggapan bilang pagbibigay galang at huling pagpupugay sa Comedy King ng Philipine Cinema na si Rodolfo Vera Quizon na mas kilala sa tawag na Dolphy.

Bilang pagpupugay sa pumanaw na Hari ng Komedya ay iniutos ni Manila Mayor Alfredo Lim na ilagay sa half mast ang lahat ng mga watawat ng Pilipinas sa mga pampublikong tanggapan o government offices.

Ayon sa alkalde, maging ang city hall ng Maynila ay ilalagay din sa half mast ang watawat ng Pilipinas kasama na ang mga public schools.

Sa pagbisita ni Mayor Lim sa Heritage Park sa Taguig City, kanyang sinariwa ang mga hindi niya malilimutang alaala tuwing nagkikita sila ng kanyang Pareng Dolphy.

Kuwento ng mayor, isa rito ay kung kakain umano sila ay inaako na ng Comedy King ang pagbabayad dahil mas malaki raw ang kanyang kita kaysa sa alkalde ng Maynila.

Nito lamang nakaraang buwan ng Hunyo ay ginawaran si Dolphy ng parangal na “Gawad Diwa ng Lahi” ng lungsod ng Maynila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply