Bangis ng Tigers haharapin ng Fighting Maroons

NAKATIKIM nang masaklap na pagkatalo sa opener ang University of Sto. Tomas Growling Tigers laban sa last year’s runner-up Far Eastern University Tamaraws, 72-73.

Kahapon (Hulyo 19) ay sumingasing ang Growling Tigers upang sagpangin ang defending four-time champion Ateneo Blue Eagles, 71-70 at hindi na maulit ang nakalulugmok na karanasan.

“Breaks of the game at napunta sa amin,” pahayag ni Tiger coach Pido Jarencio. “Siyempre hindi naman puwede na lagi na lang tayong umiiyak at naghihinagpis.”

Tangan ngayon ng España-based Tigers ang 1-1 win-loss slate at pakay nilang kagatin ang ikalawang sunod na panalo laban sa University of the Philippines Fighting Maroons sa kanilang laban sa Mall of Asia Arena bukas.

Muling sasandalan ng Tigers ang sentrong Cameroonian Karim Abdul na siyang sumalpak ng winning basket ng makipag 1-on-1 ito kay Blue Eagle 7-foot-0 center Greg Slaughter.

Bukod kay Abdul inaasahan din ni Jarencio ang ibang bataan nito lalo na sa mga mahahalagang puntos.

“This year marami kaming puwedeng puntahan na players.” Ani former PBA player Jarencio.

Nakatakda ang rambulan ng Tigers at Fighting Maroons sa alas-4:00 ng hapon pagkatapos ng 2 O’clock encounter ng University of the East Red Warriors kontra Adamson U Falcons.

Samantala, hahanapin bukas ng Falcons, Fighting Maroons at Red Warriors ang unang panalo sa liga.

Nagsosolo naman ang De La Salle U Green Archers sa top spot bitbit ang 2-0 panalo-talo karta habang ang Blue Eagles ay 1-1 ang record.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply