Bangka lumiyab, 1 nawawala, 4 nasagip sa Palawan

NAWAWALA ang isang mangingisda habang apat naman ang nasagip nang magliyab ang kanilang nilalayag na motorized banca sa Palawan province, ayon sa ulat Linggo ng umaga ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa report, sinabi ng  NDRRMC na ang sangkot sa insidente ay ang  banca na “Mikaela Lu” at naganap ito dakong 10 a.m. sa may Fondeado Island sa Puerto Princesa City.

“While at the vicinity of Fondeado Island, Puerto Princesa City, the engine carburetor of the said banca suddenly caught on fire for unknown reason, causing the five fishermen to abandon (it) and (jump) overboard,” pahayag sa ulat.

Sa kabutihang palad, napansin ng isang maliit na bangka na nagkataong dumadaan sa lugar at nasagip ang apat sa mga biktima na dinala sa Pandan Island sa Palawan para sa pansamantalang mapahingahan.

Nananatiling nawawala ay si Ronel Malinao, 34-anyos habang ang limang nasagip na mangingisda ay sina Randy Balambang, 37, Joel Escoto, 33,  Titing Gareales, 36, at Tito Alarcon, 39-anyos.

Lumabas sa imbestigasyon na ang bangka ay pag-aari ng isang Roberto Alarcon at umalis ito sa Mandaragat village sa Puerto Princesa City dakong alas 10 a.m. at patungo itong Honda Bay nang maganap ang insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply