Bangka tumaob sa PPUR: 6 Arabo nailigtas

ANIM na mga turistang Arabo na bumisita sa Puerto Princesa Underground River (PPUR) sa Palawan ang nailigtas makaraang tumaob ang bangkang sinasakyan ng mga ito.

Ayon sa report ng dzBB ngayong umaga, nilalayag ng motor banca ng mga biktima ang daan patungong PPUR nang may mabunggo ito.

Ayon kay Coast Guard Palawan district commander Commodore Enrico Evangelista, agad na rumespunde ang mga Coast Guard personnel mula sa  abang station at nailigtas ang mga biktima.

Base pa sa inisyal na imbestigasyon, apat sa mga biktima ay may apelidong  Mustafa.

Nasa mabuting kalagayan na sa kasalukuyan ang mga nasabing turista.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply