Bangkay hinukay, kinatay

MALAKING palaisipan ngayon sa mga awtoridad kung ano ang motibo para muling hukayin at katayin ang nakalibing na bangkay ng isang lalaki sa bayan ng Valladolid sa lalawigan ng Negros Occidental.

Ayon sa imbestigasyon ng Valladolid Philippine National Police (PNP), si Alberto Feliciano, 58, anyos, residente ng Brgy. Lacaron Valladolid ay namatay dahil sa malubhang sakit na tuberculosis at inilibing sa Roman Catholic Public Cemetery ng Valladolid noong Sabado June 30.

Ngunit namangha ang kanyang pamilya nang makita nilang hinukay ang pinaglilibingang nitso nito at nawawala ang kanyang bangkay.

Linggo na ng hapon nang makita ng mga pulis ang bangkay ni Alberto at nawawala na ang ulo nito at putol na rin ang kanyang kanang kamay.

Nagtataka ang pamilya at mga pulis kung ano ang motibo ng para muling hukayin at katayin ang patay dahil mahirap naman si Alberto at walang yaman na naisama ng ito ay inilibing.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply