Bangkay muling hinukay para pugutan

KARUMAL-DUMAL!

Ganito inilarawan ng mga awtoridad ang sinapit ng isang bangkay na kalilibing pa lamang matapos hukayin at pugutan ng ulo ng hindi pa nakikilalang salarin sa bayan ng Valladolid sa Negros Occidental.

Hindi makapaniwala ang mga awtoridad sa kakaibang pangyayaring iniulat sa kanila hinggil sa sinapit ng bangkay ni Alberto Pelicano, 58-anyos at residente ng Brgy. Lakaron, bayan ng Valladolid.

Nangangapa ngayon ang pulisya kung ano ang posibleng motibo upang lapastanganin pa ng hindi nakilalang suspek ang bangkay na dapat sana ay nananahimik na sa libingan nito.

Labis-labis din ang pighati ng pamilya ni Pelicano lalo pa’t hindi nila matagpuan kung saan dinala o itinapon ng suspek ang ulo ng kanilang namayapang mahal sa buhay.

Batay sa salaysay ng anak ng namayapa na si Aura Pelicano Garganza, noong Sabado ng hapon lamang nila inilibing ang ama sa Roman Catholic Public Cemetery ng Valladolid.

Subalit nitong Linggo ng umaga ay may nakapagsabi sa kanila na nawala na ang bangkay
ng kanilang ama at hinukay ang puntod nito.

Agad nagtungo sa sementeryo ang pamilya at nag-usisa. Agad nilang hinanap ang bangkay at natagpuan nila ito sa gilid ng palaisdaan na mga 20 metro ang layo mula sa sementeryo.

Muling naghinagpis ang pamilya nang makitang bukod sa wala nang ulo, putol din ang kaliwang braso at paa ng bangkay.

Wala namang ideya ang pamilya kung sino ang posibleng makagawa nito sa kanilang ama dahil wala silang alam na may nakaalitan ito para gumanti kahit patay na ito.

Malabo umano ang pagnanakaw na motibo sa pangyayari dahil walang kayamanang naisama sa hukay ng biktima na isang mahirap lang.

Apela ngayon ng pamilya na matagpuan na ang ulo ng kanilang ama upang maisama ito sa kanyang hukay.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply