Bangkay na nakasako lumulutang sa dagat

NAKA SILID na sa sako at palutang lutang sa ilog ang bangkay ng isang lalaki na unang inulat na nawawala sa lalawigan  ng Cebu, ayon sa ulat ng pulisya.

Base sa report, nakitang palutang lutang ang bangkay ni Carmelo Caputol , 46 anyos, binata at residente ng Barangay Poblacion ng nasabing lungsod sa karagatan sakop ng  sitio Manay-as, Brgy. Lambog, lungsod ng Badian, lalawigan ng Cebu.

Ayon kay PO2 William Beltran ng Badian PNP, may hawak ng kaso,  isang mangingisda  ang nakakita kay Caputol sa karagatan.

Sinasabing habang namimingwit ng isda si Agaton Tejada, 45, residente sa nasabing lugar, sakay sa kanyang motor bangka ay bigla na lang itong nakakita ng isang sako na kulay dilaw.

Laking pagkabigla nito nang makita ang isang kamay ng tao na nakalabas mula sa loob ng sako, kaya dali niya itong kinuha at dinala sa dalampasigan  ang bangkay.

Nakitaan ang biktima ng sugat sa kanyang ulo na siyang pinaghihinalaang dahilan sa pagkamatay nito.

Positibo namang kinilala ito ng kanyang kapatid at pansamantalang dinala ang labi sa a St. Anne Funeral Parlor.

Ayon sa kapatid ng biktima, noong Hulyo 2 pa umano nawawala ang kanyang kapatid at huli itong nakita na nag-iinuman sa isang tindahan.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis para matukoy ang nasa likod ng krimen.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply