Bangkay ng 14-anyos lumutang sa Las Piñas

BANGKAY na ng lumutang ang isang 14-anyos na estudyante na unang iniulat na tumalon sa malalim na bahagi ng fish port ng madaling araw sa Las Pinas City.

Tinangka pang isugod ng mga mangingisda sa Las Pinas District Hospital ang lumutang na katawan ng biktimang si Judge Ocampo, residente ng 102 Bernabe Compound, Pulang lupa 1, Las Pinas subalit patay na nang idating sa naturang pagamutan.

Sa tinanggap na ulat ni Las Pinas Police chief Sr. Supt. Romulo Sapitula, dakong alas-2 ng madaling araw nang mamataan ng mga mangingisda ang pagtalon ng binatilyo sa Fish Port sa Bernabe Compound sa hindi pa malamang dahilan.

Makaraan ang isang oras, namataan na ang paglutang ng katawan ng biktima kaya’t tinangka nilang isugod ito sa pagamutan sa pag-asang pagbabalikan pa ng ulirat.

Inaalam pa sa isinasagawang pagsisiyasat nina SPO1 Alvin Salasbar at SPO1 Richard Credo ng Las Pinas police investigation division sa pamilya ng binatilyo kung  ano ang dahilan ng ginawang pagtalon ng biktima sa naturang fish port na naging dahilan ng kanyang pagkalunod.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply