Bangkay ng bebot napulot sa Sorsogon

NATAGPUAN ang bangkay ng isang 36-anyos na misis na hinihinalang ginahasa muna bago pinaslang sa Sorsogon City.

Bandang alas-11:40 ng tanghali nang matagpuan ang bangkay ni Wilya Echano, tatlong buwang buntis, ng Sitio Bisita, Barangay, Abuyog, Sorsogon City, na may tali sa leeg at walang saplot sa katawan.

Hinihinalang pinatay ang biktima sa sakal gamit ang wire habang nakagapos ito sa puno ng niyog.

Sa ulat ng Casiguran Municipal Police Station, sinabi ng ka-live-in ng biktima na bandang noong Hulyo 1, 2012, ay hindi na niya nadatnan sa kanilang bahay ang kinakasama at naiwan lamang ang kanilang anak.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply