Bangkay ng bebot natagpuan sa bakanteng lote sa QC

HALOS tanggal na ang ulo ng bangkay ng babae na natagpuan sa isang bakante at matalahib na lote sa Mindanao Ave. extension, Fairview, Quezon City ngayong umaga.

Batay sa ulat sa radyo, hindi pa nakikilala ang bangkay ng babae na tinatayang nasa edad 25 hanggang 30 taong gulang, naka-maong pants at brown sleeves na damit at may pagka-blonde ang buhok.

Nang suriin ng mga awtoridad ang bangkay ay nakita na may malaking hiwa sa leeg na halos matanggal na ulo nito sa katawan. Bukod dito, may dalawang saksak sa katawan at may mga sugat sa mga daliri sa kamay na indikasyon na nanlaban ang biktima.

Kukumpirmahin pa kung ginahasa ang biktima, dahil ayon sa isang saksi na hindi nakuha ang pangalan, dakong alas-9:30 kagabi nang makita niyang may babaeng tila ginagasaha ng dalawang lalaki sa naturang lugar.

Ayon sa saksi, nagsisigaw at pumapalag ang babae sa suspek na inilarawan niya ang isa na matanda at nakasuot ng kulay puting shorts at sumbrero.

Hindi lamang umano marinig ng saksi ang isinisigaw ng babae dahil sa ingay na dulot ng mga sasakyang dumadaan sa lugar.

Patuloy ang imbestigasyon sa krimen at inaalam ang pagkakakilanlan ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply