Bangkay ng lalaki napulot sa Navotas

NATAGPUAN ang bangkay ng isang hindi pa kilalang lalaki sa Navotas kaninang madaling araw.

Tinatayang nasa edad 20 hanggang 30 may taas na 5’4”, tadtad ng tattoo sa katawan, nakasuot ng asul na T-shirt na dinala na sa Eusebio Funeral Homes.

Batay sa ulat, dakong alas-5:00 ng madaling araw nang makita ang bangkay ng biktima sa Road 10, North Bay Boulevard South ng lungsod.

Bakas sa leeg na sinakal ang biktima na naging dahilan upang mamatay ito.

Nagsasagawa na nang imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply