Bangkay ng stude natagpuan sa balon

NATAGPUAN ang bangkay ng isang high school student na nakagapos ang dalawang kamay at nakatali ang leeg sa kanyang damit at hinihinalang hinalay bago inihulog sa may balon sa sitio Dalinson, Brgy. Tigbawan, bayan ng Tabuelan, Cebu kaninang umaga.

Kinilala ang biktima na si Jelina Lahoylahoy, 13, 2nd year high school student sa San Remegio National High School na dalawang araw nang nawawala bago natagpuan kanina.

Una nang dumulog ang ama ng biktima noong Huwebes na si Romendo Lahoylahoy, 61, sa Tabuelan Police Station upang iulat na nawawala ang kanyang anak.

Nabatid pa na nahanap ng kapatid ng biktima at tiyuhing si Lando ang kinaroroonan ng bangkay ngunit nawawala ang bag at sapatos nito.

Sa kasalukuyan, hinihintay pa rin ng awtoridad ang resulta ng awtopsiya ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply