Bangkay ng totoy lumutang sa ilog

NATAGPUANG lulutang-lutang ang bangkay ng isang batang lalaki sa bahagi ng ilog sa Quezon City, kaninang umaga.

Ang biktima na hindi pa nakikilala ay inilarawan na nasa lima hanggang 10 taong gulang, may kayumangging kulay, maiksi ang buhok at walang saplot sa katawan.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) natagpuan ang bangkay ng biktima sa San Juan River malapit sa Maria Bolo Bridge E. Rodriguez Avenue, Brgy. Damayang Lagi, QC dakong 7:00 kaninang umaga.

Sinabi sa ulat ni PO1 Julius Cesar Balbuena naglalaro ang batang si Mark Christian Alicar kasama ang kanyang mga kalaro sa lugar nang mamataan ng mga ito ang bangkay ng biktima na lulutang-lutang sa naturang ilog.

Agad ipinagbigay alam ng mga bata sa mga barangay tanod sa kanilang lugar ang natagpuang bangkay.

Inaalam na ang pagkakakilanlan ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply