Barilan sa disco, 3 patay, 5 sugatan sa N.Cotabato

TATLO ang patay habang lima naman ang sugatan nang magrambulan at magbarilan ang dalawang grupo ng mga kalalakihan sa loob ng isang disco bar sa Cotabato City nitong Linggo ng gabi.

Dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang  mga biktimang sina Agaton Bernabe, Romeo Francisco Egan at Richard Demetrio.

Isinugod naman sa magkakahiwalay na pagamutan sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan sina Jeje Egan, Julie Corbena, Bernard Macario, Arnold Egan at Ali Bernarbe.

Ayon kay Senior Inspector Rolando Panzo, naganap ang insidente dakong alas 11, Linggo ng gabi, sa isang disco bar sa Sitio Kabuluan, Barangay Bao Alamada.

Bago ito, sinabi ni Panzo na nagtagpo ang landas nina Agaton at Romeo na may matagal ng personal na alitan.

Base sa mga saksi, nagkasagutan muna sina Agaton at Romeo bago nagsaksakan na humantong sa barilan ang mga kasamahan ng magkabilang panig.

Natigil lamang ang kaguluhan nang dumating ang mga tauhan ng CVO,CAFGU at mga barangay opisyal.

Inatasan na ni Cotabato PNP Provincial Director S/Supt. Cornelio Salinas si Alamada Chief of Police, Sr. Insp. Rolando Panzo para ikasa ang masusing imbestigasyon  para malaman ang pinag-ugatan ng insidente.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply