Barilan sa Malabon: 12-anyos todas

PATAY ang isang binatilyo, habang dalawang iba pa ang nasugatan kabilang ang isang holdaper nang makipagbarilan sa isang pulis ang tatlong holdaper na nagtangkang mangholdap kahapon sa Malabon City.

Patay agad si Torry Maiso, 12, ng Bagong Silang Sitio 6, Brgy., Catmon , habang sugatan naman si Jose Cruz, 61 ng Brgy., Panghulo.

Sugatan naman at arestado ang isa sa tatlong suspek na si Rexie Mercader, 28 ng Anthorium St., Navotas City habang pinaghahanap pa ng mga pulis ang dalawang hindi kilalang kasama nito.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon, alas 2:10 ng hapon nang makipagbarilan ang pulis sa mga holdaper sa kahabaan ng MH Del Pilar St. Tenajeros.

Nabatid na si  P01 Dan Perry Rambuwa, nakatalaga sa Navotas City Police ay sakay ng kanyang motorsiklo at binabagtas ang nasabing lugar patungong Valenzuela nang sabayan ng tatlong suspek na sakay naman sa isang motorsiklo hindi nakuha ang plaka.

Tinutukan ng baril ang nasabing pulis ng mga suspek sabay nagdeklara ng holdap dahil dito ay huminto ng takbo si Rambuwa sabay takbo para magkubli sa nakaparadang sasakyan.

Dito na naganap ang palitan ng putok ng baril kung saan tinamaan si Mercader.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply