Barko ng China nilisan ang Pag-asa

IPINAHAYAG ng Western Command (Wescom) na dalawa sa dalawampung fishing vessel na humimpil malapit sa Pag-asa sa teritoryo ng Pilipinas ang nanatili sa Spratly Island.

Ayon kay Wescom (Wescom) spokesman Lt. Col. Niel Estrella, batay saisinagawang nilang air surveillance sa bahagi ng Pag-Asa island,karamihan sa Chinese vessel ang lumisan na sa naturang lugar.

“Except for the two remaining Chinese ships which we also monitored tobe leaving the area, the rest of the Chinese fishing boats are gone,”ani Estrella.

Nitong nakaraang Biyernes, dalawampung fishing vessel ang namataan sa5km ng Pag-asa bukod pa sa malalaking barko na unang namataan na umaani ng corals.

Dahil dito iminungkahi ni Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon, at datingchief of staff ng Armed Forces of the Philippines, na humingi ng ang Pilipinas ng ayuda sa United Nations para sa isang mapayapang pamamaraan para maiwasan ang armed confrontations sa pagitang Manilaat Beijing kaugnay sa namumuong sigalot sa pag-angkin sa West Philippine Sea.

Ang mungkahi ni Biazon ay hindi sinang-ayunan ng Malacañang at ng Department of Foreign Affairs (DFA) at nanindigan sa pagsusulong ng diplomatic, political at legal na pamamaraan hinggil sa nararapat nasolusyon sa pananakop ng China sa teritoryo ng bansa.

Bagama’t mayroong namumuong sama ng panahon, sinabi ni Estrella na angWescom ay patuloy na binabantayan ang buong Kalayaan Island Group(KIG)  na matinding inaagaw sa Spratly Island.
Bukod sa China, inaangkin din ng Vietnam ang ilan bahagi ng karagatan na nagpatindi para umalma ang China at naghanda ng kanilang puwersang militar sa Spratly region.

Maliban sa Brunei, lahat ng umaangking bansa – China, Vietnam, Taiwan, Malaysia at Pilipinas sa Spratly Island ay nagpakalat na ng kani-kanilang puwersa sa naturang lugar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply