Barko niratrat sa Masbate

NIRATRAT ng mga hindi kilalang suspek ang isang barko habang naglalayag sa karagatan sa Masbate kagabi, Hulyo 22.

Ayon sa ulat ng Cataingan Port sa Masbate, bandang alas-7:50 ng gabi nang maganap ang insidente kung saan patungo na sanang Cebu ang MV Rosalia 2 nang pagbabarilin ng mga suspek na sakay umano ng isang sasakyang pandagat.

Narekober sa loob ng barko ang mga basyo ng kalibre .45 na baril.

Wala namang naiulat na nasugatan o namatay sa insidente.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon habang nagpapatrulya na ang awtoridad sa naturang karagatan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply