Basilika at Bayawak Rivers isinara, barangay lumubog

MISYON AKSYON, sana mabigyan ng konkretong aksyon ang  aming Barangay Balagtasan,  kasi tatlong dekada na po ang paghihirap naming mga taga-Barangay  Balagtasan, Lubao, Pampanga  magmula  po nang isara  at  harangan  ang dulo ng aming Basilika River at Bayawak Rivers ay lumubog na po ang aming barangay pagsapit ng tag-ulan.

Katunayan po lumapit na  kami sa mga lokal na opisyal  lalo  na po sa aming Mayora na si Lylyn P. Cayabyab ng Lubao  pero wala pong aksyong ginawa maging ang gobernadora namin wala rin pong aksyon,  kaya ang natitira na lamang na pag-asa namin ay kayong mga MEDIA para mabigyan ng pansin ang tatlong dekada na naming problema.

Panahon ng dating Pangulong  Marcos nabuksan ang nasabing ilog. Kaya  nang  ito ay mabuksan,  nawala ang problema naming lubog sa  tubig ang aming  lugar. Ang pinakamasaklap po nito, pagdating ng administrasyon ni dating Pangulong Cory Aquino ay napasara uli, kaya  muling  bumalik ang aming problema. Ang mga  sakahan namin ay ‘di na mataniman at nagkakasakit ang tao lalo  na po sa balat gaya ng alipunga at an-an.

Maraming klase ng sakit ang dumadapo sa mga kabarangay namin.

Ang lapad po ng nasabing ilog  ay 632 meters at mahigit naman  sa isang kilometro ang haba. Ang  dulo ng lote ay palaisdaan na pag-aari ng pamilya Pring kaya sila  ang nagsara ng ilog. ‘Di po ba,  Misyon Aksyon, na bawal harangan ang mga  dinaraanan ng  tubig gaya ng creek at ilog kasi maraming mapipinsala?

Kaya umaasa  po kaming  mga taga-Barangay Balagtasan na  mabibigyan ninyo ng agarang tulong at aksyon para iparating sa kanila at sana  po aksyunan  ito  ni  DENR Sec. Ramon Paje Jr. at  Gobernadora  Lilian “Nanay” G. Pineda at  higit sa lahat ang aming Mayora ng Lubao na anak din ni Gobernadora na si Mylyn Pineda Cayabyab. Nawa ang umiral ay ang kapakanan ng nakararami at hindi ang pansariling interes ng iilan.

Gumagalang,
Mr. EM

Paging Lubao Mayor Mylyn  P. Cayabyab at  Pampanga Gover-nor Lilia “Nanay” Pineda. Mga Madam, pakiimbestigahan  naman  po ang reklamo ng mga taga-Barangay Balagtasan na tuwing sasapit ang tag-ulan ay lumulubog  po ang kanilang baryo kasi sinarhan umano ang dulo  ng  dalawang ilog na Basilika at Bayawak ng mga  may-ari ng fishpond. Ayon po sa reklamo nila, e, panahon pa ni dating Pang. Marcos ay nabuksan na ang mga ilog kaya nawala ang kanilang problema at pagsapit ng  dating  Pang. Cory Aquino ay muli itong sinarhan kaya ang kanilang barangay, pagsapit ng tag-ulan ay lubog sila.

Maraming   beses  umano silang lumapit sa inyo  pero  walang aksyon kayong  ginagawa bagkus ang mga  may ari  umano ng  fishpond ang inyong pinapaboran … kasi may pakinabang kayo?.  Samantalang ang  inyong mga  kabarangay ay nagtiitiis ng  hirap at  alipunga, sakit sa balat  at  ibat  iabang uri ng sakit  at higit  sa lahat ang kanilang sakahan at di na pinakinabangan  pag  sapit ng tag-ulan .

Hindi  po  ba.   bawal  ang kanilang ginawa  na sarhan ang  ilog  na siyang  daanan ng tubig galing  sa  itaas ng bundok.   Baka  po magsisi  kayo  pagsapit ng  Pito-pitong tag-ulan. Sa paggising ninyo,  lunod na ang inyong mga taga  kababayan na taga  barrio.

Sana   po  umiral ang  patas  na pagpapatupad  ng  karapatan  na kapwa ninyo  mga karesidente .  Kay   DENR  Sec   Ramon  Paje  Jr. Sir  paki busisi  naman po ang Barangay Balgatasan  sa may   Lubao, Pampanga   na   ayon po  doon  sa knilang   mga residente iyong  dalawang ilog  na  siyang   daluyan  ng  tubig  ay  sinarhan  ng mga may ari ng Fishpond kaya  pag  sapit  ng tag ulan   ay  lumulubog ang  kanilang lugar. Umaasa  po sa inyong aksyon at tulong na inyong    mabibigyan  ng  agarang aksyon.

Bukas po ang aking kolum para sa inyong panig at kapaliwagan.

Binabati  ko po ang   aking inaanak ng  Best  Wishes and  Congratulations si  Mr & Mrs. Cezar Asagra at Cris Jean  Santos  kinasal  kamakalawa   July  7,,2012 at  kaniyang mga Ninong at Ninang  Mayor  Rey san Pedro, Konsehal  Glen  Villano ,Ed  Lanuza, Captain Marcial Abing Atty  Rodolfo Delos Santos, Randy  Elardo, Arnel Petil, Kit San Pedro Villar,Barangay Capt.  Benedicta Lopez, Neneth Mendoza, Irene Mojica, Ma. Teresa Undas, Merlie  Sienes.  At kanilang mga  Magulang Rogeria Marcos  Asagra at Evangeline Oscar Santos .

NOTE: PROBLEMA SA SSS, GSIS, PAG-IBIG HOMEOWNERS AT IBA PA. Cellphone Numbers: GLOBE-09165982736 SMART-09193628223 EMAIL ADDRESS: www.misyonaksyon@yahoo.com, www.tiradabalita.com,arnel_petil@yahoo.com, arnelpetil@gmail.comathttp://misyonaksyon.blogspot.com

Sa mga texter at nagpapadala ng e-mail po sa inyong lingkod na nais huwag mailabas ang inyong buong pangalan kayo po ay maaaring gumamit ng “alyas” subalit kinakailangan pa rin ibigay ang inyong kumpletong pangalan at address. Maaaring samahan pa rin po ninyo ng mga supporting documents na magpapatibay o makakatulong sa mga suliranin na inyong dinudulog at kung alyas o codename lamang ang inyong gagamitin ay hindi mailalathala dahilan para po ito sa bawat kapakanan ng bawat panig ng mga nagrereklamo at nirereklamo.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply