Batang kalye ‘wag limusan – DSWD

NANAWAGAN ang  Department of Social Welfare and Development (DSWD) National Capital Region sa publiko na huwag bigyan ng limos ang mga kabataang nasa lansangan para mabawasan ang bilang ng mga  street children sa Metro Manila.

“We would like to enjoin the public to support us in our battle cry to promote ‘tamang tulong ang kailangan, hindi ang pagbibigay limos sa lansangan,’” pahayag ni DSWD-NCR regional director Ma. Alicia Bonoan.
Makatutulong aniya ang publiko hindi sa pamamaraang pagbibigay ng limos sa mga kabataang sumasakay sa mga dyip para punasan ang sapatos ng pasahero kundi huwag na lamang bgiya ng pansin ang mga kabataang nagbibigay ng solicitation envelopes sag a pasahero sa mga public utility jeeps at buses.

Imbes limusan, hinikayat ni Bonoan ang publiko na makipag-ugnayan sa DSWD-NCR office, local social welfare and development office, o sa non-government organizations para matulungan ang mga street children.

Ang 10 lugar na may pinakamaraming bilang ng street children ay sa Roxas Boulevard sa Manila; Kalayaan Road, Barangay E. Rodriguez at Quezon Avenue sa Quezon City; Balintawak area sa Caloocan City; Roxas Boulevard sa Pasay City; Greenhills, Ortigas sa San Juan City; Kapasigan sa Pasig City; Madrigal Avenue, Alabang sa Muntinlupa City; at sa NAIA Road sa Parañaque City.

Sa kabilang dako,  ang mga street children, ay bibigyan ng educational assistance at alternative education, health at nutrition services at iba pang tulong mula sa LGUs at  ang partner na NGOs.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply