Batas gumagana

PAGHAHARI ng batas, hindi ng tao. Rul op lo en nat op men.

Ito ang napansin natin sa desisyon ni Pasay City Regional Trial Court Judge Jesus Mupas  na pagpapalaya kay Gloripie mula sa kulungan.

Kasabwat umano si Gloripie sa pandaraya sa halalan noong 2007 kaya kinasuhan siya para rito na nagbunga naman ng kanyang pagkakulong ng nasa walong buwan.

Sabi ni Mupas, mahina ang ebidensya laban kay Gloripie nang sinabi ng saksing si Norie Unas na hindi niya nakita ang waswit ni Big Mike na kasama sa mga nandaya sa halalan.

Wala umanong ibang ebidensya na magdiriin kay Gloripie sa sabwatan sa electoral sabotage.

Sa kasong ganito, hindi pupuwedeng magpiyansa dahil itinuturing itong mabigat na krimen.

Ngunit dahil sa mahina nga umano ang ebidensya, pinagpiyansa si Gloripie ng P1 milyon.

oOo

Ang sabi ng 1987 Konstitusyon, karapatan ng sinomang tao sa repablik ni Juan ang magpiyansa sa mga kasong kinahaharap niya maliban lang sa mga kasong capital offense o mabibigat na krimen.

Mabigat na krimen ang may parusang bitay o reclusion perpetua (20-30 taong pagkabilanggo) o habambuhay na pagkabilanggo (30-40 taong pagkabilanggo).

Sa electoral sabotage ni Gloripie, Suki, sakop siya ng sinasabing mabigat na krimen na may parusang 30-40 taong pagkabilanggo o life imprisonment.

Pero mahina umano ang ebidensya kaya siya pinagpiyansa.

Bukod sa sinabing hindi niya nakita si Gloripie na nandaraya sa halalan noong 2007, may sinabi si Unas na kaya siya tumestigo ay para makaiwas siya sa kasong kriminal na posibleng isampa laban sa kanya.

Nakadududa nga yan.

Diyan umiiral ang batas at tama lang na hindi nagpadala si Mupas sa kagustuhan ng iba na basta na lang ituring na gilti si Gloripie, derpor, ibilanggo siya habambuhay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply