Batasang Pambansa ready na sa SONA ni PNoy

ALL SET na ang Batasang Pambansa ngayon para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III mamayang 2:00 ng hapon.

Kahapon, abala ang mga staff ng Kamara de Representantes para siguraduhing ayos ang audio at video equipment na gagamitin sa SONA ng Pagulo.

Maging ang mga media network ay naging abala sa pagse-set up ng kanilang mga gamit para sa kanilang coverage.

Kahapon din ay nailatag ang red carpet sa south wing ng gusali na siyang itinalagang entrance ng mga mambabatas ang iba pang mahahalagang personalidad o VIPs na dadalo sa SONA ng Pangulo.

Nagsagawa na rin ang Presidential Security Group (PSG) ng security check kahapon kaya pansamantalang isinara ang Batasan Complex.

Mamayang alas-12:00 ng tanghali isasara ang Batasan para sa paghahanda ng joint session dakong 2:00 ng hapon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply