Bawal ang magkasakit

HINDI totoo na kapag sinasabi ng pamahalaan na gumaganda na ang buhay, eh, gumaganda na rin ang buhay ni Juan.

Bakit? Kasi naman, nakapako ang kita ni Juan sa minimum weyds, kung isa siyang obrero.

Ang masama pa, kakaunting porsyento na lang  talaga ang sakop ng minimum weyds at higit na nakararami ang kumikita nang mas mababa sa minimum.

Itanong niyo pa sa mga nasa konstraksyon at end of contract o ENDOC o kontraktuwal.

Sa mga kanayunan, walang pinagkakakitaan kundi ang sisonal na pagtatanim at pag-aani ng palay at gulay o pag-aalaga kaya ng baboy.

Kapag pupunta ka naman sa karagatan, nakupo, karaniwang nakatengga ang mga bangka at lambat, maging ang mga barkong pangisda.

Paano ka pa nga na-mang  makapapalaot kung sunod-sunod ang mga bagyo o lo presyur erya at panay ang warning at pagbabawal ng PAGASA at Coast Guard sa pangi-ngisda?

oOo

In short, Suki, milyon-milyong mamamayan ang inaatake ng taghirap at kokonte lang ang maginhawa sa buhay. Dito natin naisipan kung paano lalabanan ang kahirapan.

Isang paraan ang hindi pagkakasakit at gawin nating moto ang “bawal ang magkasakit.”

Kapag hindi tayo magkakasakit, hindi tayo gagastos sa gamot at ospital na napakalaking kabawasan talaga sa kakarampot nating kita.

Kahit papaano ay makasusurbayb tayo kahit sa isang kahig, isang tukang buhay.

Ngayon ay panay ang warning shot ng Department of Health ukol sa sakit sa baga na tumutodas sa maraming mamamayan sa Cambodia sa loob lang ng 24 oras.

Siguro, ang gagawin natin ay mag-ingat na makapasok ang virus mula sa nasabing bansa. Pero ano itong balita na parang galing sa Foot and Mouth Disease ang mikrobyo o virus dito?

Derpor meron tayong ganyan dito sa Pinas.

Mag-ingat ang lahat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply