Bayad sa taxi sa Davao City, swipe-swipe na lang

UPANG maiwasan ang mabiktima ng panghoholdap, isang makabagong pamamaraan sa pagbabayad ng pamasahe sa taxi ang ipinatupad sa Davao City.

Dahil dito, wala nang dadalhing pera ang mga namamasadang mga taxi dahil deretso na sa bangko ang ibinayad ng pasahero.

Ayon kay Ryan Tan, assistant manager ng Mabuhay Taxi  sa Davao City, aabot sa 20 mga black taxi ng nasabing kompanya ang tumatanggap na ng bayad sa pamamagitan ng payments mula sa Bancnet at Megalink ATM at debit cards na pinaka-una ito sa Pilipinas.

Bukod dito, sisikapin din ng naturang kompanya na maisagawa ang pagbabayad sa pamamagitan ng credit card.

Kagaya sa mga ginagamit sa mga department store, isu-swipe lamang ang mga ATM card para sa pasahe ng mga pasahero.

Bago ito ipinatupad ay sumailalim na rin sa mga seminar at orientation ang mga taxi driver para sa kanilang kaalaman.

Sinabi ni Tan na kahit na tangkain ng mga holdaper na holdapin ang driver wala silang makukulimbat na salapi.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply