Bea Binene, Kristoffer Martin, nagkadebelopan

SI BEA Binene ay may bagong partner sa “Luna Blanca,” si Kristoffer Martin. Samantalang si Barbie Forteza ay bago na rin, si Derrick Monasterio.

Para kina Bea at Kristoffer, madaling nagkaroon ng bonding ang dalawang tween stars dahil pareho silang nature lover at mahilig sa sports.

Bukod sa wushu, paborito rin ni Bea ang swimming. Kaya malakas ang loob niya na mag-scuba diving sa edad na 14. Samantalang, si  Kristoffer naman ay scholar sa kanilang school noong high school dahil sa athlete siya sa swimming.

Kapag nagkikita nga sina Bea at Kristoffer sa set ng Tween Hearts noon, pinag-uusapan nilang madalas ang tungkol sa kinahihiligan nilang sports.

Ngayong magka-partner na silang dalawa sa Luna Blanca, tiyak  mas marami na silang pagkukuwentuhan pa bukod siyempre sa role nilang gagampanan na later on ay magkaka-develop-an sa kanilang pag-iibigan.

000

MASARAP kausapin ang child star na si Mona Louise Rey sa set ng Luna Blanca dahil ikinukuwento lahat sa press ang buhay niya. Tulad na lang sa pagka-miss niya sa kanyang Lebanese father dahil hindi na siya pinupuntahan sa kanilang bahay.

Pati sa pagkahilig niya sa cellphone ay ikinuwento niya. Hindi raw niya makalilimutan ang regalo sa kanya ni Mark Anthony Fernandez nang magkasama silang dalawa sa Munting Heredera. Gift sa kanya nito ay Samsung Galaxy Y. Bukod pa rito ay nakabili na siya ng apat pang cellphone at kabilang na rito ang pinakapaborito niyang I-phone. Sa ngayon ay tatlo na lang ang phone niya dahil sa pinamigay niya sa kanyang uncle ang isa at isa sa isang kasamahan sa bahay.

Samantala, para kay Mona, iba pa rin ang may amang kumakalinga sa kanya. Pero ang pagkukulang ng ama sa buhay niya ay napupunan naman nang husto ng kanyang mapagmahal na ina.

Imagine kahit saan pumunta si Mona Louise ay nasa likod niya ang kanyang ina. Pagkagising niya sa umaga ay ready na agad ang kanyang mga pagkain. Hindi nito nakalilimutan ang ampalaya juice na bagay na bagay kay Mona Louise dahil siya’y diabetic.

Kahit artista si Mona Louise, hindi niya kinakalimutan ang kanyang pag-aaral. Regular student pa rin siya ngayon sa isang school sa Paranaque City. Siya’y kasalukuyang Grade III student sa isang regular class.

Pumapasok muna siya sa school bago siya pumunta sa taping ng Luna Blanca, ang soap opera na may tatlong episode. Kasama ni Mona Louise bilang batang actress si Jillian Ward.

Hanggang Friday na lang lalabas sina Jillian at Mona Louise Rey sa Luna Blanca, pag teenager na sila ay papalit na sina Bea Binene at Barbie Forteza sa kanila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply