Bebot dumayb sa condo, lumagapak sa kotse

KRITIKAL ang lagay ng isang babae nang tumalon sa condominium building sa Quezon City kaninang umaga.

Isinugod sa ospital sanhi ng tinamong kapansanan sa likuran ng ulo ang hindi nakikilalang babae na inilarawang nasa 32-35-anyos,  nakasuot ng blouse at maong pants.

Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), naganap ang insidente alas-10:30 ng umaga sa Smile Citihomes sa Barangay Kaligayahan malapit sa SM Fairview.

Ayon sa nakasaksi, napansin na lamang nila na nasa ikalimang palapag na lamang ang biktima at tumatawid sa sementadong pader.

Para anilang wala sa sarili ang biktima dahil tila nagsasalita itong mag-isa na parang may kinakausap at lalo pa silang nagulat nang biglang tumalon sa gusali.

Sa kabutihang palad, lumagapak ito sa bubungan ng isang nakaparadang kotse dahil kung sa sementadong kalsada ito nalaglag ay tiyak na patay na agad ito.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply