Bebot in-snatch-an na, binoga pa

HUMANTONG sa pagamutan ng Taguig-Pateros District Hospital ang isang babae na na nagbakasyon sa kanyang mga kamag-anak pagkaraan itong barilin sa hita matapos na pagnakawan ng armadong riding-in-tandem sa harap ng Villa Salud apartment, ML Quezon Avenue, Brgy. Lower Bicutan, Taguig City kahapon ng hapon.

Sa ipinarating na sumbong ng kamag-anak nitong si Josephine H. Dela Rosa sa mga awtoridad, dakong ala-1:00 ng tanghali habang nakatayo ang biktimang si Angelita Tan, tubong South Cotabato, sa harapan ng Villa Salud apartment nang biglang agawin ng dalawang armadong lalaki na nakasakay sa motorsiklo ang mobile phone at gold necklace ng kanilang kamag-anak.

Bukod sa ginawang pandarambong, pinaputukan pa ng mga naka-helmet na salarin ang biktima sa hita nito.

Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad nabatid na nagmula sa isang cal. 45 na baril ang balang bumaon sa kanang hita ng biktima.

Habang ginagamot sa hospital ang biktima, patuloy pa rin ang follow-up investigation ng IDMS upang matukoy ang mga salarin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply