Bebot inutas ng dyowa sa resort

PATAY na nang matagpuan ang isang babae na hinalang pinatay ng kanyang nobyo sa loob ng kanilang kinuhang kuwarto sa Seaside Bar Resort sa Dardarat, Tagudin, Ilocos Sur.

Kinilala ang biktima na si Sheila Maynes Monte, 29, ng Paratong, Bangar, La Union.

Nadiskubre ang bangkay ng biktima ng caretaker ng resort na si Gloria  Leal.

Nabatid na nag-check- in sa resort ang biktima kasama ang isang lalaki sa Room 10 at bandang hapon ay nagtungo ang lalaki sa counter para mag-extend ng pananatili ng isa pang oras bago umalis.

Pero nang makonsumo na ang oras at hindi pa lumalabas ang kasama ng lalaki ay kinatok na ni Leal ang biktima at nang walang sumasagot ay binuksan niya ang kuwarto pero tumambad sa kanya ang patay nang babae.

Sa imbestigasyon, lumalabas na malakas na pagpalo sa ulo ang ikinamatay ng biktima.

Nakuha sa lugar ng krimen ang isang sinturon at basag na bote na pinaniniwalaang ginamit sa pamamaslang.

Pinaghahanap na ang lalaking kasama ng biktima na hinalang kanyang kasintahan.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply