Bebot kinatay ng selosong ka-live in

RIZAL-Nagmistulang baboy na kinatay ang isang babae matapos ang pagtatalo nilang magka-live-in dahil lamang sa selos kagabi sa bayan ng Rodriguez.

Kinilala ni Rizal PNP director P/Sr. Supt. Rolando Anduyan ang biktima na si Emily Tapere, 36-anyos, residente ng Blk. 1, Lot 87, Phase 1A, Sub-urban Village, Brgy. San Jose, ng nasabing bayan.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Temmy Ramos, live-in partner ng biktima na tumakas bitbit ang patalim na ginamit sa krimen.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-11:00 ng gabi sa loob ng bahay ng biktima.

Nagagalit umano ang suspek dahil sa nabalitaang mayroong ibang lalaki na nanliligaw sa biktima kung kaya’t sinita niya ito na humantong sa kanilang pagtatalo.

Gamit ang isang semi-jungle bolo ay walang awang pinagsasaksak at tinaga ng suspek ang kinakasama.

Kasong murder ang inihahanda ng pulisya laban sa suspek.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply