Bebot laglag sa bato

KULONG ang isang dalaga matapos makuhanan ng mga shabu habang ang mga pulis ay hinahanting ang pusher na kalugar ng una sa Caloocan City, kagabi.

Nakilala ang suspek na si Gina Cruz, 48, ng Bisig ng Nayon, Caloocan City.

Batay sa ulat, dakong alas-10 ng gabi, hinahanting ng mga pulis ang pusher na nakilala lang sa alyas na Che sa nasabing lugar subalit napansin ang sachet ng shabu na hawak ni Cruz.

Nilapitan ng mga pulis si Cruz at nang kapkapan ay nakuhanan pa ito ng tatlong sachet ng shabu.

Agad na binitbit ang dalaga sa presinto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply