Bebot na bumili ng chicha, pinagbabaril, utas

PATAY ang isang bebot matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek habang ang una ay bumibili ng pagkain sa Navotas, Miyerkules ng gabi, Hulyo 4.

Dead on the spot si Joanna Mora, 30 ng Bacog st., Daanghari ng lungsod, sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Batay sa ulat, bumibili ng makakain ang biktima sa Fatima st., Daanghari nang sumulpot ang suspek at pagbabarilin ang biktima.

Tumakas ang suspek matapos ang insidente. Inaalam na ng mga pulis ang motibo sa pamamaril.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply