Bebot na ‘Salisi’ nahuli sa Taguig

KALABOSO ang isang magandang babae na hinihinala ring miyembro ng Salisi gang makaraang ireklamo ng pagnanakaw sa isang kawani ng isang kompanya sa Florenceway, Brgy. Fort Bonifacio, Taguig City, kahapon ng hapon.

Ang biktima ay nakilala na si Emily Rose P. Guinto, 24, walang hanap-buhay at nakatira sa 1 Mount Apo, Brgy. Palar, Taguig City habang ang nagreklamo ay si Keith Vincent A. Navea, 25, property consultant ng Megaworld Real Estate Corporation, nakatira sa 3292 A. Mabini St., Brgy. Poblacion, Makati.

Sa salaysay ng biktima, dakong alas-9:00 ng umaga habang abala siya sa kanyang trabaho ay inilapag niya ang kanyang gadget na nagkakahalaga ng mahigit sa P30,000 sa ibabaw ng sofa ng kanilang kompanya.

Ilang sandali lamang ang lumipas nang mapansing nawawala ang kanyang gadget.

Ayon kay Navea, nakita umano niya ang suspek sa lugar kung saan nawala ang kanyang gadget.

Nang usisain ang suspek at tanungin kung bakit nandoon siya sa lugar ay sinabi nito na aplikante siya ng Megaworld ngunit itinanggi naman ito ng manager ng naturang kompanya

Ayon pa kay Navea, nagtangka pang tumakas ang suspek sakay ng taxi subalit mabilis itong napigilan ng security guard ng kompanya na si Feather Cadungon.

Nang kalkalin ang gamit ng suspek ay nakita ang nawawalang gamit ni Navea, dahilan para bitbitin ito sa presinto.

Inaayos na ang kasong isasampa sa nagsisising suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply