Bebot sinuwag ng taxi sa Cagayan de Oro, tigok

TODAS ang isang babae matapos suwagin ng isang taxi sa Barangay Puerto, Cagayan de Oro City kaninang madaling araw.

Kinikilala ang namatay na si Neda Galope, taga Bukidnon na nagtamo pa ng bali sa kamay at paa.

Batay sa ulat sa radyo, tumawid si Galope sa isang flyover sa nasabing lugar at hindi napansin ang paparating na taxi at nasagasaan siya.

Naitakbo pa sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Hawak naman ng Puerto Police Station ang drayber ng taxi na hindi nakuha ang pangalan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply