Bebot todas, 1 sugatan sa pamamaril sa Binondo

PATAY ang isang babae habang isa ang sugatan matapos pagbabarilin ng di kilalang suspek kaninang madaling-araw sa Binondo, Maynila.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Gat Andres Hospital si Princess Verano, 26, kasambahay at residente ng No. 900 Delpan St., Tondo, habang sugatan naman ang kasamahan nito na si Levi Cordova, 39, porter ng Camba st., Tondo Maynila na kasalukuyan pa ring ginagamot sa nasabi ring pagamutan.

Nakatakas naman ang suspek na armado ng di mabatid na kalibre ng baril.

Sa report, ala-1:50  kaninang madaling araw nang maganap ang insidente sa Area B, Gate 52, Parola Compound Binondo Maynila.

Ayon kay Vallejo, ang dalawang biktima ay sakay ng isang pedicab nang biglang sumulpot ang suspek sa kanilang likuran at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga biktima.

Nagtamo ng tama ng bala si Verano sa ibat ibang parte ng kanyang katawan habang tinamaan naman sa kaliwang hita at kanang tuhod si Cordova.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply