Beijing binayo ng ulan, 19 patay

Beijing — Nag-iwan ng 19 kataong patay ang pinakamalakas na pagbuhos ng ulan na tumama sa unang pagkakataon sa Beijing sa loob ng 61 taon habang tinataya pang magpapatuloy ang pagbuhos ng ulan sa northeast at southwest China, ayon sa state press kaninang umaga.

Binayo ng torrential rain ng kabisera sa buong araw nitong Sabado, na humantong sa paglikas ng may 14,500 katao, na karamiahan ay mula sa Beijing’s outlying mountainous districts, iniulat ng Xinhua news agency.

Kabilang sa kaswalidad ay ang policeman na nakuryente sa pagbagsak ng isang bumagsak na power line habang nagkakasa ito ng rescue operation habang ang ibang namatay naman ay sanhi  traffic accidents at pagbuwal ng mga bubungan.

Umabot ng 46 centimeters (over 18 inches) pagulan ang bumuhos sa Beijing’s Fangshan district, na pinakamalalang pagulan na tumama sa lunsod dahil 14 oras ang itinagal nito, ayon pa sa ulat.

Ilan sa mga kalsada sa kabisera ay nalubog sa baha na ang taas ay aabot sa 1 metro ng tubig, habang 475 flights naman ang nakansela.

Kaninang umaga, lumarga na ang clean-up crews para makumpuni ang mga nasira mula sa pagbuhos ng ulan sa ilalim ng araw na kalangitan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply