Belmonte, Enrile handang pakinggan ni PNoy

HANDA ang Malakanyang na pakinggan ang anumang sasabihin nina Senate President Juan Ponce Enrile ay Speaker Feliciano Belmonte kaugnay sa kanilang posisyon na itulak ang Charter-Change.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson na handa naman ang Pangulong Aquino na pakinggan ang iba’t ibang posisyon ng bawat sektor sa usapin ng chacha.

“Well, from what we understand, they do intend to talk to the President. As the President said democracy works like that. Makikinig po ‘yan. But we do not know if there will be any change in his position after such discussion,” ani Valte.

Nauna rito, nananatili naman ang posisyon ng Pangulong Aquino na isantabi ang pagsusulong ng chacha sa katwirang magagawa namang makamit ang hinahangad na economic growth kahit sa kasalukuyang Saligang Batas.

Dudaang Pangulo na economic provision lang ang pag-uusapan kapag nabuksan na ang Saligang Batas tulad ng ibinabandera ng mga Cha-Cha proponents.

Pero inihayag naman ng Pangulo na nais pa rin nitong mapakinggan muna ang diskusyon ng magkabilang panig at kakausapin nito sina Senate President Juan Ponce-Enrile at House Speaker Sonny Belmonte.

“I was taken aback by the headlines today. We never discussed that,” ayon kay Pangulong Aquino.

“I think what the President said yesterday was clear that we have been able to implement the reforms that we want without having to undergo the arduous process of a Charter Change. Also the high economic numbers that we are seeing right now also are the product of the work of the president as well as of the economic team without the benefit of undergoing a Charter Change. So tingnan na lang po natin. I don’t also want to comment on what the outcome of any possible discussion would be. But as the President was clear yesterday, ‘yon pa rin po ‘yung posisyon niya,” ayon kay Usec. Valte.

Samantala, wala namang kinalaman sa aspeto na kaya malamig ang Pangulong Aquino na baguhin ang ilang probisyon ng 1987 Constitution  ay dahil sa binuo at pinagtibay ito noong panahon ng kanyang ina, si dating Pangulong Corazon Aquino.

“Wala naman po siyang nababanggit na ganoon. Ang sinasabi po ng Pangulog kasi unang-una, mahaba po ‘yung proseso niyan. Pangalawa, iniisip po niya ‘yung magiging interruption in case that something on this level happens. And thirdly, ang sinasabi naman po ng Pangulo is “don’t fix it if it’s not broken.” So kung wala naman po tayong nakikitang dahilan na urgent, talagang necessary na hindi ho tatakbo ‘yung bansa kapag hindi ho natin ginawa, then ano po ‘yung rason,” ayon sa opisyal.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply