Belmonte: Usapin sa 2016 elections maaga pa

MASYADO pang maaga upang iprayoridad ang 2016 national electionS.

Ito ang ipinahayag ni House Speaker Sonny Belmonte sa napapabalitang tandem ni DOTC Secretary Mar Roxas at Senador Chiz Escudero para sa 2016 elections.

Giit ni Belmonte na hindi pa napapanahon at masyado pang maaga na talakayin ang mga ganitong isyu na wala pa namang malinaw na kumpirmasyon.

Aniya kung anoman ang mangyayari sa 2016 elections ay darating din naman iyon at sa ngayon ang 2013 midterm elections muna ang dapat na asikasuhin.

Hindi pinapaboran ni Belmonte ang mga ganitong usapin dahil dalawang taon pa lang ang nakalilipas ng maganap ang 2010 national elections at agad na pinag-uusapan naman ngayon ang halalan sa 2016.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply