Benepisyo ng mga taga-PAG-ASA, ibalik na

NANAWAGAN ang Anakpawis Partylist na ibalik agad ang mga benepisyo ng mga empleyado ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na sinuspinde partikular ang hazard pay, longevity pay, subsistence allowance at laundry allowance.

Simula pa Marso nasuspinde ang Magna Carta of benefits at hindi nakakukuha ng benepisyo ang mga taga PAGASA.

Ayon kay  Anakpawis Rep. Rafael Mariano, unti-unti nang nawawala at nangingibang bansa ang mga scientist at geophysicist ng PAGASA dahil sa napakababang sweldo at benepisyo na natatanggap nila.

“Obligasyon ng gobyerno na pangalagaan ang mga propesyunal nito, laluna iyong mga nasa espesyalisadong linya ng gawain gaya ng sa PAGASA.”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply