Benipisyo ng PAGASA forecasters inihirit na maibalik

UMAASA ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) forecasters na sa lalong madaling panahon ay maibalik ang kanilang benipisyo na sinispinde sanhi ng kakulangan ng pondo.

Sinabi kaninang umaga ni PAGASA forecaster Chris Perez na bukod dito ay maliit pa ang pasahod sa kanila at sobra pa sa trabaho at ang pampublikong serbisyo na lamang ang nagtutulak sa kanila para magpatuloy na magtrabaho.

Nauna rito, nagreklamo ang mga miyembro ng Philippine Weathermen Employees Association (PWEA) ng hindi pagtanggap ng kanilang hazard at longevity pay simula pa noong Marso.

Ang benipisyo ay naayon sa Republic Act No. 8439, ang Magna Carta para sa Scientists, Engineers, Researchers at iba pang Science and Technology personnel sa gobyerno.

Sa ilalim ng batas, ang mga forecaster ay binibigyan ng hazard allowance ng 10 hanggang 30 posiyento ng kanilang monthly salary, at longevity pay na halagang 5 porsiyento ng monthly salary sa bawat 5 taon ng patuloy at meritorious service.

Tiniyak naman kanina ni Philippine Weathermen Employees Association president Ramon Agustin na hindi sila mag-aaklas pero aminadong nahihirapan silang pumasok ng trabaho sanhi ng kakulangan sa pera.

Sinabi rin ni Perez na ang PAGASA forecasters ay ang pinakamatrabahong propesyon, dahil hindi sila nakauuwi hanggang may bagyong nagbabanta sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply