Beybi sugatan sa sunog sa Mandaluyong

SUGATAN ang isang dalawang buwang beybi sa sunog na naganap sa Martinez Street, Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City kaninang madaling araw.

Nagtamo ng second degree burn ang baby na kinilalang si Vincent Bagalawis na isinugod sa Madaluyong City Medical Center.

Batay sa ulat, nagsimula ang sunog sa bahay ng pamilya Bagalawis dahil sa napabayaang kandila at nadamay ang mga katabing bahay.

Sa ngayon, pansamantalang nanunuluyan sa garden ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG-ASA) malapit sa lugar ang mga nasunugang residente.

Umabot sa ikalimang alarma ang sunog at naapula mag-alas-2:30 ng madaling araw.

Inaalam pa kung magkano ang pinsala ng naturang sunog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply