BFAR nagbabala sa paghuli, pagkain ng butterfly fish

NAGBABALA ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa publiko kaugnay sa paghuli at pagkain ng nakalalasong parparia o butterfly fish.

Ito ay makaraang dalawa ang namatay sa pagkain ng naturang isda na kinilala na sina Samuel Balatico, 26, at Crispina Balaan, 88.

Bukod sa mga namatay, tinatayang nasa 11 pa ang nalason makaraang kumain ng nasabing lamang-dagat.

Ayon kay Angel Encarnacion ng BFAR Region II, nagtataglay ng sequioa toxin ang isdang parparia kaya nakalalason itong kainin.

Sa ulat ng Department of Health (DOH) Region II, nakakain ang ilan sa mga biktima ng butterfly fish at pagkatapos ng 30 minuto ay bigla silang nagsuka na sinayan pa ng pagtatae.

Sinasabing madali lang matukoy ang butterfly fish dahil sa makukulay ang mga ito kumpara sa mga pangkaraniwang  isda.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply