Fishing ban sa Panatag pag-uusapan ng BFAR, PCG

NAKATAKDANG makipagpulong sa Philippine Coast Guard (PCG) ang Bureau of Fisheries and Aquatic resources (BFAR) upang talakayin ang fishing ban sa Panatag o Scarborough Shoal.

Ayon kay BFAR director Atty. Asis Perez, bukod sa PCG, kabilang din sa nasabing pulong ang PAGASA-DOST at iba pang ahensya ng gobyerno.

Tatalakayin sa pulong kung tuluyan nang aalisin ang fishing ban na magtatapos sa ika-15 ng Hulyo o kung palalawigin pa ito.

Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China lalo na’t may panibago na namang idineploy na surveillance vessel ang China malapit sa West Philippine Sea.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply