Dynamite fishing sa Dagupan City tinututukan

TINUTUTUKAN na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang buong karagatan sa Dagupan City dahil sa talamak ng dynamite fishing sa naturang lugar.

Dahil dito, bumuo ng composite team ang (BFAR) laban sa talamak na dynamite fishing at magsasagawa ng inspeksyon sa mga bangka sa karagatan ng Dagupan City, Pangasinan.

Ayon kay BFAR Interim Director Wesley Rosario, labis na nilang ikinababahala ang kakulangan ng isda na nahuhuli sa dagat.

Bukod dito, pinangangambahan din ang masamang epekto ng pagkain ng isdang huli sa dinamita na labis na makaaapekto sa kalusugan ng makakakain nito.

Sa ngayon, isa sa kanilang babantayan ang bayan ng San Fabian dahil sa dami ng gumagamit ng nasabing pampasabog sa pangingisda.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply