BI bantay sarado kay GMA

NAKAALERTO na ang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) para matiyak na hindi makalalabas ng bansa si dating Pangulong GloriaMacapagal-Arroyo na isiyuhan ng Hold Departure Order (HDO) ng Sandiganbayan dahil sa kasong plunder na kinakaharap nito.

Bagama’t  pa nagpahayag na ang mga abogado ni Arroyo na walang balak ang dating pangulo na lumabas ng bansa bantay sarado pa rin ang kagawaran para dito.

Ayon kay Immigration spokesperson Antonette Mangrobang, natanggap na nila ang kautusan ng Sandiganbayan na pigilan ang paglabas sa bansa ng dating pangulo kaya’t ipinakalat na  nila ang naturang kautusan sa lahat ng opisina nila sa bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply