Bianca King enjoy sa paggi-guest sa Bubble Gang, Tweets for My Sweet

MATAGAL pang papasok ang character ni Bianca King sa Luna Blanca kaya panay muna ang TV guesting niya sa mga programa ng GMA7. Last Friday, sa Bubble Gang ay panauhin siya at ngayong Sunday naman ay guest siya sa Tweets for My Sweet na tampok si Marian Rivera.

Pinupuno ni Bianca ang mga schedule niyang guestings bago siya tumulak sa Canada para magbakasyon doon at bisitahin ang kanyang parents na roon na naninirahan ngayon.

Kung masusunod ang parents ni Bianca, gusto ng mga itong sama-sama na silang lahat sa Toronto, Canada. Ang kaso, mahal ni Bianca ang papayabong niyang career sa Pinas bukod sa marami pa siyang dreams na ibig matupad sa showbiz. Kasama na rito ang maging ganap na director.

‘Di pa rin nawawala sa schedule ni Bianca ang pag-aaral ng short course sa America tulad ng kursong Cinematography.

As usual, si Dennis pa rin ang kanyang special someone ngayon sa showbiz.

Speaking of Bubble Gang, naging panauhin last Friday sa longest gags show sa bansa sina Sheena Halili, Chariz Solomon at Derrick Monasterio.

000

BALITANG humahataw na ngayon sa ratings game ang One True Love nina Alden Richards at Louise delos Reyes. Maganda ang feedback sa acting ni Alden at marami ang nagsasabing talagang hinog na raw ang young actor na bigyan ng solo soap ng Kapuso Network.

Bukod sa magaling nang umarte si Alden, super gwapo pa rin ang actor at marami ang nakapapansin sa magandang dimple niya sa pisngi.

Bumagay rin kay Alden ang role niyang walang pinag-aralang taga-barrio na nilalait ng mga magulang ni Louise, lalo na ang ina ni Louise, in particular, na ginagampanan ni Agot Isidro.

Ang lumalabas na mapang-unawang lola ni Alden ay si Caridad Sanchez.

Nakakikilig ang bawat eksena nina Alden at Louise at parang modern version ng Romeo and Juliet ang istorya. S’yempre pa, may kakaibang twist ito at malalaman natin sa flow ng istorya later on.

000

TOTOO bang nagkaka-allergy na raw si Jillian Ward sa inilagay na black make up sa kanyang buong katawan kapag kinukunan na ang role niya bilang si Luna sa Luna Blanca?

Kahit nagkakaroon na raw ng allergy ang bata, tuloy pa rin siya sa taping. Ginawan siyempre ng paraan para ‘di na maulit ang allergy. Ang pag-aartista kasi para kay Jillian ay parang laro lamang. Gusto niyang laging humaharap sa camera. Bata pa lang kasi siya ay hilig na niyang gayahin ang mga lumalabas na bata sa mga soap opera niyang pinapanood noon.

Sa ngayon sa Luna Blanca, unti-unti nang nagkakalapit sina Camille Prats at ang lumalabas na tatay ng mga bata na si Raymart Santiago. Pero parang twist of faith na laging ‘di pa rin nagkakatagpo. Iyan ang masarap bantayan sa soap!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply