Biazon aprub sa DA; Ekonomiya angat kay Pnoy

SALUDO ang Department of Agriculture (DA) sa mga pagbabagong ginawa ni Customs Commissioner Ruffy Biazon para mabawasan ang meat smug-gling sa bansa.

Sa pahayag ni DA Assistant Secretary Danilo Catbagan sa isang kapihan sa Maynila, na kung saan panauhin din si Biazon, sinabi nitong labis ang pasasalamat ng mga lokal na player sa ating meat industry dahil malaki ang iginanda at ipinagbago ng kanilang kita magmula nang magsagawa ng pagbabago ang DA at Bureau of Customs (BoC).

Maging ang mga tauhan ng DA na nag-training sa BoC para sa scanning ng IFM o inward foreign manifest ay labis ang pasasalamat sa pinuno ng Aduana dahil “all out” ang ginagawang suporta sa kanila ni Biazon.

Magugunitang noong June 26 ay nagpulong ang DA, BoC at mga lokal na supplier ng karne para pag-usapan ang mga paraan para maplantsa ang mga taktika upang mabawasan ang meat smuggling sa bansa na naging dahilan din para makipagkasundo si Biazon na ang ilang tauhan ni Sec. Proceso Alcala ang papayagang magsagawa ng IFM scanning.

Nagpalabas rin ng memorandum si Biazon sa kanyang mga district collector at pinuno ng assesment division na isang reference value lang ang kanilang susundin sa pagtatasa ng imported na karne at ito ay nag-kakahalaga ng $1.97 per kilogram.

Hindi lang ito ang ginagawa ni Biazon sa BoC dahil maging ang napabalitang pagpupuslit na rin ng murang sigarilyo sa parte ng Mindanao ay kanya na ring pinatutukan para masawata agad ito at ‘wag umalma ang mga lokal na tobacco manufacturer.

Marami pang proyekto para ganap na mabago ang balak ni Biazon sa Aduana kaya’t mag-antabay lang tayong lahat dahil tiyak na sa “tuwid na daan” ito patutungo.

###

Maganda ang itinatakbo ng ekonomiya ng bansa sa panahon ni Pangulong Noynoy Aquino.

Tiwala kasi silang hindi mapupunta sa kalokohan ang kanilang ipinupuhunan sa Pilipinas.

Maging ang piso natin ay tumaas ang value kontra dolyar na  maganda ang ibubunga sa mga lokal na kapitalista.

Tama po, isang matinong presidente lamang ang kailangan ng bansa at tiyak di magtatagal ay aangat na muli ang ‘Pinas. (Nasa www.remate.ph ang karugtong)

###

Tama lamang ang ginawa ni Pangulong Noynoy Aquino na limitahan ang pagmimina sa bansa sa 78 area lamang.

Hindi na kasi biro ang pinsala ng mining industry sa bansa kaya’t napapanahon ang Executive Order 79 na ipinalabas ng Malakanyang.

Maging ang pagba-ban ng pagmimina sa mga tourism,agricultural at fishery areas ay sinaluduhan ng madla dahil tama lamang na i-preserba natin ang mga naturang lugar para na rin sa darating na henerasyon.

Maging ang hindi pagbibigay ng permit para sa bagong magmimina ay tugma sa pangangailangan sa ngayon lalo’t lugi ang hatian sa pagitan ng estado at minero.

Sa naturang EO ni PNoy ay wala munang bibigyan ng bagong permit sa pagmimina hanggat walang bagong batas na nag-aamyenda sa usapin ng hatian sa kita ng estado at minero.

###

Sa mga nangangailangan ng pagkalinga ng pitak na ito, maari kayong mag-email sa barangayanni_isko @yahoo.com o mag text sa 09336363310.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply