Big time oil price hike ipinatupad na

NANGUNA na ang Pilipinas Shell at Total sa pagpapatupad ng dagdag-singil sa kanilang mga produktong petrolyo.

Epektibo kaninang alas-sais ng umaga ay nagtaas ang Shell ng P1.80 sa kada litro ng kanilang gasolina, P 1.20 sa kada litro ng kanilang diesel, P1.35 sa kada litro ng kanilang kerosene at P1.65 naman sa bawat litro ng kanilang regular gasoline.

Habang ang Total naman ay magtataas ng P1.80 sa kanilang unleaded gasoline, P1.60 sa kada litro ng kanilang regular gasoline at P1 sa kanilang diesel.

Ayon sa ulat ng Department of Energy (DOE), ang nasabing oil price hike ay bunsod pa rin ng paggalaw ng presyo nito sa international market.

Kaugnay nito, inaasahang magsisisunuran pa ang iba pang kompanya ng langis sa nasabing dagdag-singil sa presyo ng mga produktong petrolyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply